GMA Logo Marian Rivera
Photo source: marianrivera (IG)
What's on TV

Marian Rivera, naalala ang dance competition days sa performance nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi

By Karen Juliane Crucillo
Published October 9, 2025 1:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Nagbalik-tanaw si Marian Rivera sa kanyang dance competition days dahil sa performance nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi sa 'Stars on the Floor.'

Bago pa man makilala bilang Primetime Queen, noon pa lang ay dance floor queen na si Marian Rivera.

Sa October 4 episode, naalala ng Kapuso Primetime Queen ang kanyang dance competition days sa '90s-inspired performance nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi.

"Kami lahat dito, nag-enjoy na panoorin kayo," papuri ni Marian sa mag-duo.

Ikinuwento rin ni Marian na naging isang malaking throwback para sa kanya ang '90s performance nina Rodjun at Dasuri.

"At talaga namang itong memory na ito, parang flashback ko 'yung '90s. Noong araw, lumalaban talaga ako ng dance competition. Ako lang ang nag-iisang babae sa grupo namin," pagbabahagi niya.

Samantala, sina Coach Jay at Pokwang naman ay humanga rin sa routine nina Rodjun at Dasuri.

Maliban kay Marian, naalala rin ni Coach Jay ang mga panahon na sumasali siya sa mga dance competition.

"Naalala ko dati 'yung kapag sumasali kami ng contest, nagta-tumblingan. Sobrang naha-hype ako," ikinuwento ng Dance Trend Master.

Noong 2007, sumikat ang “Marimar” dance trend ni Marian dahil sa kanyang role sa hit series na Marimar.

Simula noon, nagkaroon pa ng iba't ibang dance trends si Marian na muling sumikat at naging patok sa mga netizens sa TikTok.

Abangan ang mas nag-iinit pang performances sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.

Samantala, balikan dito ang sizzling performance ni Marian Rivera kasama sina Rodjun Cruz at Zeus Collins: