
Sa kanyang pagbalik sa gym, isa sa naging motivation ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ay ang kanyang anak na si Zia. Aniya, "Nahihirapan lang ako habulin siya. At madali ako mapagod. Sabi ko, siguro wake up call na it's about time, siguro kailangan ko bumalik sa gym."
Kasalukyang nagko-Crossfit training at healthy eating ang aktres. Kaya naman super sexy at bumalik na ang kanyang maliit na waistline ngayon. Paano nga ba niya nakakayanan ang intense training? Aniya, "Lahat naman mahirap, nasa kompyansa mo lang yan sa sarili mo. Tsaka disiplina talaga."
Super inspired din si Yan dahil ang kanyang gym buddy ay walang iba kundi ang kanyang asawa at ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. Paano nga ba nila na-maintain ang kilig sa kanilang relationship? Kuwento ni Marian, "Wala namang perfect relationship, eh. Pero pwede mong i-workout 'yan. Ang importante lang is transparent sa isa't isa. And ['yung may] trust."
Panoorin ang buong report sa 24 Oras: