Only the Primetime Queen can pull off a bikini while preggy!
By MICHELLE CALIGAN
Kahit anim na buwang buntis ay hindi nagpapigil si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na magsuot ng bikini habang nakabakasyon sa Amanpulo kasama ang kanyang asawang si Dingdong Dantes. Nasa exclusive island ang dalawa para ipagdiwang ang 31st birthday ng soon-to-be-mommy kahapon, August 12.
A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) on
Dinagsa ng birthday greetings sa social media ang Sunday PinaSaya host kahapon. Kabilang sa mga bumati ay ang photographer na si Mark Nicdao at ang kanyang 'kambal' na si Aiai Delas Alas.
Nag-organisa rin ang kanyang fan clubs ng thanksgiving mass na kanya namang dinaluhan.