
Hindi lang sa telebisyon patok ang family-oriented game show na Family Feud. Naging mainit din ang pagtanggap ng mga viewers nito online.
May halos 150,000 subscribers na kasi ang official YouTube channel kung saan napapanood ang ilang clips ng show. Dahil dito, eligible nang mabigyan ng Silver Play Button ang channel.
Ayon kay Kapuso Primetime King at Family Feud gamemaster Dingdong Dantes, marami siyang natatangap na iba't ibang feedback.
"Paano ba sumali? Napanood namin itong episode na 'to, sbrang aliw na aliw kami. Lahat kami sa bahay sumasagot. 'Yun 'yung mga nakukuha namin [na feedback]. Masayang msasaya kami na nakakapagbigay aliw kami sa mga manonood every day. Kaya sana patuloy n'yo pong suportahan," pahayag ni Dingdong.
Isa naman sa pinaka inaabagang guesting sa show ay ang misis niyang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na requst daw mismo ni Dingdong.
"Team Tisoy and Team Tisay kami. Kasama ko, mga kapatid ni Dong and then sa kabilang group, 'yung mga kapatid at pinsan ni Dong," pahayag ni Marian.
Very supportive ang aktres sa kanyang mister dahil batid daw niyang lubos na nae-enjoy ni Dingdong ang pagho-host ng Family Feud.
"Happy talaga siya. Kahit na pagod siya, kinukuwento niya talaga sa akin. Sobrang nage-enjoy siya talaga na mag-host ng Family Feud," lahad niya.
Samantala, maraming dapat abangan mula kina Dingdong at Marian ngayong susunod na mga buwan.
Magbabalik-tambalan sila sa sitcom na Jose and Maria's Bonggang Villa. May inihanda rin silang Mother's Day special na kinunan sa Israel, na mapapanood sa May 7. Si Dingdong pa mismo ang nag-direct nito at iikot ito sa motherhood journey ni Marian.
"Itong journey niya bilang isang nanay, makakakilala siya ng isang nanay rin na kapareho niya. Dito mag-i-intersect 'yung kanilang mga kuwento at 'yung kanilang buhay. Ito 'yung aabangan nila--kung ano ang magiging ending, ano 'yung mga natutunan nila at ano 'yung mga bagong pangarap nila sa buhay pagkatapos ng realizations nila doon sa kanilang pagtatapo sa Israel," paliwanag ni Dingdong.
Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.
Silipin din ang sweet mother-daughter bonding ni Marian at panganay na si Zia dito: