
Hindi maiwasang matanong muli ang Primetime Queen na si Marian Rivera tungkol sa naging pagkikita nila ng singer/actress na si Karylle, na ex-girlfriend ng kanyang asawa na si Dingdong Dantes.
Nasa isang event diumano si Marian kasama si Dingdong ng makasalubong nila si Karylle.
Marian sa naging pagkikita nila ni Karylle: 'Siguro ito ang tamang panahon'
Kuwento ni Marian, naging maayos naman daw ang batian nila ni Karylle. “Well, oo naman, sinabi ko naman, since day one, wala naman akong problema sa kanya. At everytime na nakakasalubong ko siya, okay naman ako, binabati ko naman siya.
Dagdag niya, “Nagkasalubong kami, and then "Hi," "Hello," tapos may sinabi lang siya sa akin, tapos exit na.”
Ayon sa mga balita, pinuri raw ni Karylle ang ganda ni Marian. Nabanggit naman ni Marian na hindi ito ang unang beses na nagkasalubong sila ni Karylle. “Nung Dolphy Tribute nagkita rin kami, so okay naman.”
Klinaro ni Marian na wala raw isyu sa kanila ni Karylle, “Oo, parang, ano naman mapapala ko sa pagba-bad vibes, ‘di ba?”
May payo rin daw siya sa kanyang mga fans pagdating sa mga pagpatol sa mga bashers. “Walang mapapala kung papatol kayo, gayahin niyo ako, deadma, delete, block. Tapos.”
Hindi raw ugali ni Marian na pumatol sa mga bashers niya. “Never naman akong pumatol ‘eh.”
At kahit man daw nagawa niya nang mag-block sa social media ng mga bashers, hindi naman daw siya nag-ba-block ng kapwa artista. “Never ako namba-block ng artista. Lalo na kung wala namang sinasabing masama.”