
Naging special guest sa 'CelebriTV' si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, at dito ay nagkuwento siya tungkol kay Baby Maria Letizia.
Naging special guest sa CelebriTV si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, at dito ay nagkuwento siya tungkol kay Baby Maria Letizia.
Kinumusta ni Manay Lolit Solis ang new mom tungkol sa kanyang karanasan sa panganganak. Matatandaan na ang pag-labor ni Marian ay umabot ng 18 hours bago maisilang si Baby Z.
READ: Marian Rivera retells difficult experience on giving birth to Baby Maria Letizia
“Well, hindi biro ang manganak, mahirap lalo na kung normal [delivery] ka, pero okay lang. Gusto ko marami pa eh,” sambit ni Marian.
Bida rin niya, nakikilala na raw siya ni Baby Z kapag napapanood siya ng kanyang anak sa TV.
“Iba ‘yung pagfocus niya eh. Sabi ni Dong, oo. Sa Sunday PinaSaya daw nanonood sila,” ani Marian.
Nakipaglaro ang Kapuso Primetime Queen kasama ang kanyang Sunday PinaSaya co-stars na sina CelebriTV host Aiai Delas Alas at Jerald Napoles. Matapos ang segments na ‘Eksenadoras’ at ‘Ai Challenge You’ ay itinanghal na panalo ang Team PinaSaya.
WATCH: Marian Rivera, mahusay sa panghuhula
MORE ON MARIAN RIVERA:
“Marian [Rivera] is the best choice” – Dawn Zulueta on their Encantadia role
LOOK: Marian Rivera embraces motherhood on the cover of Celebrity Mom
MUST SEE: Marian Rivera flaunts sexy post-pregnancy body in a bikini