GMA Logo marian rivera
What's on TV

Marian Rivera, nanibago sa pagbalik-taping para sa 'Tadhana'

By Bianca Geli
Published November 17, 2023 11:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

World markets face fresh jolt as Trump vows tariffs on Europe over Greenland
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

marian rivera


Sinagot ni Marian Rivera ang ilang tanong para sa 6th anniversary ng 'Tadhana.'

Sa pagdiriwang ng ika-anim na anibersaryo ng Tadhana, exclusibong sumagot si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang ilang tanong ng Tadhana team.

Tanong ng Tadhana team: Kumusta ang pagbabalik taping/shooting ng isang Marian Rivera?

Aminado si Marian na nanibago rin siya sa pagbabalik taping sa Tadhana matapos ng kanyang maternity leave noon.

"Naku, siyempre, at first nangangapa ako pero kapag ginagawa mo siya at matagal mo ng nagawa, at binalikan mo ulit siya, babalik din pala 'yung ganoong pakiramdam. Pero sabi ko nga nung umpisa, nangangapa talaga ako at nahihirapan ako na ibalik dati 'yung rhythm ko sa pag-taping. Pero ngayon, masasabi ko na kampante na ulit ako."

Marian Rivera glows in 'Tadhana: 6th Anniversary' photoshoot

Ngayon, sanay na si Marian sa pagiging full time hands-on mom, actress, at Tadhana host, ano kaya ang kanyang sikreto para magampanan ng lahat ng ito?

"Parati ko sinasabi--time management. Lalo na kapag alam mong 'yung priority mo sa buhay, hindi ka mawawala eh. Ako malinaw sa akin na priority ko ang pamilya ko, sarili ko, at ang aking trabaho."

Bukod sa pagiging Tadhana host, gumanap rin bilang bida sa episode noong 2018 si Marian sa Tadhana: Sugat ni Inay na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang nag-direct.

"Nung una hindi ako makapaniwala na gumanap ako sa sarili kong programa at hinu-host ko so memorable siya. Tungkol siya sa kwento ng isang ina na walang sawa na nagaalaga sa kanyang anak na to the point na iniwan niya 'yung anak niya para mabigyan ng magandang kinabukasan. Relate na relate ako dyan.

Binalikan din ni Marian kung paano siya nagsimula sa showbiz, mula sa pagiging commercial model hanggang sa nauwi sa pag-acting.

"Nagsimula ako na ang gusto ko lang, maging cover ng magazine. Hanggang sa naging commercial model ako, hanggang sa nabigyan ng pagkakataon na umarte."

May payo rin si Marian sa mga baguhang artista kung paano magtagal sa industriya.
"Mahalaga na bigyan mo ng importansya kung ano 'yung trabaho mo, pinahahalagahan mo lahat ng mga nakakasama mo sa eksena, at dapat on time ka palagi."

Dagdag niya, "Kapag nagtatrabaho ako sinisigurado ko na alam ko 'yung character ko bago ako pumunta sa set. Nagbabasa ako ng script at the same time hindi ako nawawalan ng drive ko sa sarili ko na ginagawa ko 'to kasi looking forward ako kasi gusto ko itong trabaho na ito, pinahahalagahan ko at 'yung mga makakasama ko, na magiging pamilya kami."

Panoorin ang buong interview: