
Kabilang ang award-winning actress si Marian Rivera sa “The Dance Authority” ng pinakabagong Filipino reality dance competition na Stars on the Floor.
Sa “Chika Minute” report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras kamakailan, napasabak daw sa pagpapakita ng dance moves ang Kapuso Primetime Queen sa inaabangang programa.
Bukod dito, excited na rin si Marian sa ipakikitang talento ng mga contestant ng Stars on the Floor.
“Very excited ako na makita nila kung sino talaga 'yung mga contestant natin. Ang excited ako is kung paano nila maibibigay 'yung ibang flavor, 'yung ibang sayaw na hindi pa nakikita para sa kanila. Ako nga bilang parte talaga ng magja-judge sa kanila,” pagbabahagi niya.
RELATED GALLERY: 'Stars on the Floor': Meet the celebrity and digital dance stars
Samantala, kumasa ang celebrity mom sa nauusong mermaid filter gamit ang AI, o artificial intelligence, at napa-throwback ang fans sa naging role ni Marian noon na si Dyesebel.
Panoorin ang buong panayam kay Marian Rivera sa 24 Oras report sa ibaba.
Abangan si Marian Rivera sa Stars on The Floor simula June 28 sa GMA.