
Umagaw-pansin ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa ikalawang dance battle sa Stars on the Floor 2026.
Sa naturang episode, nag-sample si Marian Rivera ng Salsa dahil na-inspire siya sa performance nina Paul Salas at Calista Denise.
Ni-request naman ni Marian si Coach Louie, isa sa star choreographers ng dancesport, bilang kanyang ka-partner sa pag-sample ng Salsa.
Pagkatapos sumayaw, ibinahagi ni Marian Rivera na isa ito sa mga paboritong sayaw nila ng kanyang asawa na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
“Actually, isa 'yan sa mga favorite namin ni Dong. Sumasayaw kami ng Salsa. Favorite namin 'yan,” sabi niya.
Binigyan din ni Marian Rivera ng papuri ang Salsa performance nina Paul at Calista.
“Nandun 'yung charm. Nandun 'yung tinginan na para kayong loveteam. Basta ang cute,” aniya.
Patuloy na panoorin ang mas nag-iinit pang performances sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.
RELATED GALLERY: Marian Rivera leads the star-studded 'Stars on the Floor' 2026 mediacon