What's Hot

Marian Rivera on her bashers: "Pintasan man nila buong pagkatao ko hindi ko ikamamatay 'yan"

By Aedrianne Acar
Published October 12, 2017 10:58 AM PHT
Updated October 12, 2017 10:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos to Palace employees: Stay focused amid the political noise
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Nagpaliwanag si Marian Rivera kung bakit hindi siya pumapatol sa bashers. Alamin ang kanyang pahayag sa istorya na ito.

Isang payo ang iniwan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera para sa kaniyang mga loyal fans na walang sawang nagtatanggol sa kaniya mula sa mga bashers.

IN PHOTOS: Mga sagot ng celebrities sa kanilang bashers

Isang statement ang iniwan ng Super Ma’am star sa Instagram account ng @thedongyanatics kung saan pinaalalahanan niya ang kaniyang mga supporters na lawakan ang pang-unawa sa mga sumisira sa kaniya.

Ayon kay Marian, “Maraming salamat sa pagtatanggol  n'yo pero kahit ano'ng  pag-provoke ang gawin nila never ko silang papatulan!

“Alam kong most of the time e sumosobra na sila pero habaan pa natin ang pagpapasensya sa mga taong tulad nila. Ang mahalaga 'yung totoong buhay.”

Binigyan diin ng Kapuso Primetime Queen na kalimutan na ang mga kontrobersya na pinupukol sa kaniya at mag-move on with a smile.

“Basta ako never ako sisiraan, ipapahiya at bibigyan ng kahihiyan ng Mama ko sa mga tao! And that's a FACT!!! Pintasan man nila buong pagkatao ko hindi ko ikamamatay yan. ika nga trabaho lang walang personalan! Let's move on and smile”

 

Patuloy na tumutok sa mas tumitinding adventure ni Super Ma’am gabi-gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.