
Excited at masayang ikinuwento ni Marian Rivera sa GMA Integrated News Interviews kamakailan ang naging recent trip niya sa Milan, Italy.
Kabilang dito ang naging dinner niya kasama ang CEO ng Italian makeup brand na Kiko Milano na si Simone Dominici at nakilala rin ng award-winning actress ang iba pang influencers at kapwa ambassadors mula sa iba't ibang bansa.
Related gallery: Dingdong Dantes and Marian Rivera in Milan
Ayon sa report, surreal at proud moment daw ito para sa Kapuso Primetime Queen.
Ani Marian, “Hindi rin ako masyado makapaniwala dahil sabi ko parang hindi ko naisip na mangyayari 'to sa buhay ko.”
Grateful din ang actress-host na kasama ang asawa niyang si Dingdong Dantes sa kanyang milestones.
“Mas komportable ako at saka alam kong okay ako. Although kasama ko 'yung glam team ko, iba pa rin, siyempre, kapag nandiyan si Dong kasi talagang siya 'yung nagbibigay sa akin ng lakas ng loob,” saad ni Marian.
Itinuturing din na lucky charm ng renowned star ang kanyang mister, na kasama niya rin nang parangalan siya bilang Best Actress sa Cinemalaya 2024.
Ibinahagi rin ni Marian na tila may mga senyales siyang nakita habang papunta sa awards ceremony.
"May nakita ako sa labas, parang isang verse ng Bible siya na 'kung para sa 'yo, ibibigay para sa 'yo.' Sabi ko, 'Wow. Ano kaya itong message ni Lord sa akin?' parang gano'n. E, di hinawakan ni Dong 'yung kamay ko. 'Tapos, tiningnan ko siya. Sabi niya, 'Yan, anuman ang mangyari, binigay mo 'yung best mo. Para sa akin, ikaw ang Best Actress.' So doon pa lang sabi ko, 'Okay na ako,'" ani Marian.
Muling mapapanood si Marian Rivera sa big screen sa pelikulang Balota, na ipalalabas sa cinemas nationwide sa October 16.