GMA Logo marian rivera
Courtesy: marianrivera IG, dongdantes IG
What's Hot

Marian Rivera, open maging kontrabida sa 'The Master Cutter' ni Dingdong Dantes

By EJ Chua
Published September 12, 2026 11:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

MV June Aster not overcrowded, passed safety tests ahead of Coron fire — PCG
Usa ka Pick Up Natuwad sa Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

marian rivera


Kung magkakaroon ng chance si Marian Rivera na mag-guest sa 'The Master Cutter,' may isang request siya—gusto niyang gumanap bilang kontrabida.

Nagpaabot ng paghanga si Marian Rivera sa kanyang husband na si Dingdong Dantes, na napapanood bilang lead actor sa 'The Master Cutter.'

Bukod dito, sa showbiz report ni Aubrey Carampel na ipinalabas sa '24 Oras,' diretsong sinagot ni Marian kung gusto o interesado ba siyang mag-guest sa serye ni Dingdong.

Ayon kay Marian, open siya sa ideya ng guest appearance, pero kung magkakaroon man daw siya ng pagkakataon, mayroon siyang request—ang gumanap bilang kalaban ng karakter ni Dingdong at hindi bilang kakampi o, sa madaling salita, bilang kontrabida.

Pahayag niya, “Why not? Pero sabi ko sa kanya, [if] given a chance kung mag-ge-guest ako, ayokong kakampi, gusto ko kalaban [kontrabida]. 'Di ba? For a change.”

Si Dingdong ay kilala sa serye bilang si Anthony “Atoy” Padua, isang highly skilled scout ranger na piniling mamuhay nang tahimik bilang isang tailor.

Panoorin ang simulcast airing ng 'The Master Cutter' sa GMA, GTV, Heart of Asia, at I Heart Movies tuwing 8:00 p.m.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ang GMA Play sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

Samantala, happily married sina Dingdong Dantes at Marian Rivera at mayroon silang dalawang anak na sina Zia at Sixto Dantes.

Related gallery: Silipin ang beautiful family nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.