GMA Logo Marian Rivera
PHOTO COURTESY: marianrivera (Instagram)
What's Hot

Marian Rivera, 'overwhelmed' sa patuloy na parangal na natatanggap ng 'Balota'

By Dianne Mariano
Published March 18, 2025 7:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Clippers post biggest winning margin of season vs. Kings
Dingdong Dantes looks back on 11 years of marriage to Marian Rivera
#PlayItBack: The GMA Playlist Year-ender Special

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Pinarangalan ang seasoned star na si Marian Rivera bilang Best Actress sa 10th Southeast Asian Achievement Awards.

Isang bagong parangal ang natanggap ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera dahil sa kanyang husay sa pag-arte.

Nagwagi ang renowned star bilang Best Actress sa 10th Southeast Asian Achievement Awards para sa kanyang pelikula na Balota, kung saan gumanap siya bilang Teacher Emmy.

Ngayong Martes (March 18), pormal na ipinakilala ang award-winning actress sa isang event bilang bagong brand ambassador ng isang local one-stop-money shop chain. Sa naturang event, nagkaroon ng pagkakataon ang miyembro ng mga press na makapanayam ang celebrity mom.

RELATED GALLERY: TRIVIA: The many achievements of Marian Rivera

Dito ay ibinahagi niyang nao-overwhelm siya sa patuloy na parangal na natatanggap niya sa Balota.

“Medyo nao-overwhelm ako kasi parang akala ko last year natapos na pero habang itong taon na pumapasok ay mayroon pang dumadagdag na mga recognition kay Balota,” aniya.

Napanood ang Balota sa 20th Cinemalaya Independent Film Festival noong August 2024 at inilabas ang new cut ng pelikula sa mga sinehan nationwide noong October 2024.