
Nanatili ang malasakit at pagmamahal ni Marian Rivera sa mga bata sa Smile Train Philippines.
Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras noong Lunes, October 20, personal na inabot ng Kapuso Primetime Queen ang donasyon niya na 500,000 mula sa katatapos lang na programa na Stars on the Floor sa Smile Train PH.
“Ito 'yung isa sa malapit na charity din sa puso ko, ang Smile Train din talaga, so hanggang kaya, at nakaka-proud kasi 11 years na kami together e,” pahayag ni Marian.
Naging espesyal ang pagbisita ni Marian nang makita niya ang batang tinulungan niya magpa-opera pitong taon na ang nakalipas.
Matatandaan noong September 6 episode ng Stars on the Floor, ginulat ni Marian ang dance star duos sa isang sorpresa nang sabihin niya na buo ng makukuha ng tatanghalin na ultimate dance star duo ang 1 million pesos prize, dahil magdo-donate siya ng 500,000 na ibibigay sa kanilang napiling charity.
Noong Sabado, October 18, kinilala sina Rodjun Cruz at Dasuri Choi bilang ultimate dance star duo.
Samantala, kakauwi lang ni Marian mula sa Vietnam matapos maimbitahan sa isang high-fashion event ng Hacchic Couture at isuot ang isa sa kanilang koleksyon para sa bridal couture.
RELATED GALLERY: Marian Rivera's dazzling looks in Vietnam