What's on TV

Marian Rivera, pinaglihian si Jose Manalo?

By Cherry Sun
Published March 30, 2021 6:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Castro: Probe should be done into how 'Cabral files' were sourced
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Habang ipinagbubuntis si baby Zia ay nag-guest si Marian Rivera sa 'Celebrity Bluff!'

Totoo bang pinaglihian ni Marian Rivera si Jose Manalo sa kanyang unang pagbubuntis? 'Yan ang malalaman natin sa pagbisita ng Kapuso Primetime Queen sa Celebrity Bluff!

Marian Rivera

Nitong Sabado, March 27, napanood sina Eugene Domingo, Jose, at Boobay sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff. Special guest sa prorgrama si Marian bilang celebrity bluffer.

Samantala, tatlong celebrity moms at kanilang kapares ang naglaro upang maki-“Fact or Bluff.” Tandem sina Angelika dela Cruz at Mel Martinez, magkakampi sina Dina Bonnevie at Rocco Nacino, at magkagrupo ang mag-asawang sina Shamcey Supsup at Lloyd Lee.

Nang dumating sa studio si Marian ay pinag-ingat siya ni Eugene sa pagtingin kung kani-kanino. Sa kabila ng paalala ng host, pinanggigilan naman ng asawa ni Dingdong Dantes si Jose.

Ani Marian, “Ang cute-cute mo, kuya!”

Magkahalong reaksyon ang kanyang nakuha mula sa kanyang tila paglilihi sa komediyante.

Pahayag ni Jose, “Mga kaibigan, isang magandang bata na naman po ang isisilang.”

Wika naman ni Eugene, “Siguro naman ay malakas ang dugo ni Dingdong. Makinis na makinis 'yang batang 'yan."

Panoorin ang March 27 episode ng Celebrity Bluff sa video sa itaas.