
Muling tumanggap ng pagkilala si Marian Rivera dahil sa kanyang husay sa pag-arte sa telebisyon.
Ang Kapuso Primetime Queen ay ginawaran sa ika-limang Inding-Indie Film Festival ng Gawad Pusong Sining-Huwarang Aktres sa Telebisyon Excellence Award.
Nagpahayag ng pasasalamat si Marian sa bagong pagkilala na kanyang natanggap.
Aniya, "Gusto ko pong magpasalamat sa bumubuo ng Inding-Indie Film Festival sa paggawad sa akin ng parangal bilang Huwarang Aktres sa Telebisyon. Nakakataba ng puso na kilalaning huwaran. Salamat sa organization nyo na nagbibigay ng halaga sa mga indie films, artists at producers."
Congratulations, Marian!