Celebrity Life

Marian Rivera, pinarangalan sa 12th Women with Disabilities Day celebration

By AL KENDRICK NOGUERA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 30, 2020 10:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 1) JANUARY 19, 2026 [HD]
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



"Isang malaking karangalan ang maging ambassador ng mga "Kababaihang May Tanging Pangangailangan." - Marian

Ginawaran ng parangal si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa ginanap na 12th Women with Disabilities Day celebration na inorganisa ng National Council on Disability Affairs ngayong araw, March 30, sa Quezon City.

Bukod sa pagtanggap ng plaque of appreciation bilang ambassador ng mga kabataan at kababaihang may disabilities, dinaluhan din ni Marian ang isang forum tungkol sa Reproductive Health Law and Action Research on Gender and Disability Inclusive Disaster Risk Reduction and Management.
 

 

Our ambassador for children and women with disabilities, Our prime time queen @therealmarian while attending the forum for the 12th anniversary of women with disabilities day celebration.

A photo posted by Rams David (@ramsdavid86) on



Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng Kapuso actress ang kanyang pasasalamat sa natanggap na parangal. Nag-alay rin siya ng isang makabuluhang mensahe para sa mga kababaihan.

 

Maraming salamat at sa pangatlong pagkakataon ay magkakasama pa rin tayo sa adhikaing ito. Isang malaking karangalan ang maging ambassador ng mga "Kababaihang May Tanging Pangangailangan". Saludo po ako sa mga pagsisikap niyo at sa pagiging matatag sa buhay. Higit sa lahat, saludo po ako sa mga Nanay na sa kabila ng lahat ay nagagampanan nang buong puso ang kanilang mga tungkulin sa pag-aaruga ng kanilang mga pamilya. Kayo po ay magsisilbing malaking inspiration sa akin. Muli, salamat po at mabuhay ang kababaihan!

A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) on



"Maraming salamat at sa pangatlong pagkakataon ay magkakasama pa rin tayo sa adhikaing ito. Isang malaking karangalan ang maging ambassador ng mga "Kababaihang May Tanging Pangangailangan". Saludo po ako sa mga pagsisikap niyo at sa pagiging matatag sa buhay. Higit sa lahat, saludo po ako sa mga Nanay na sa kabila ng lahat ay nagagampanan nang buong puso ang kanilang mga tungkulin sa pag-aaruga ng kanilang mga pamilya. Kayo po ay magsisilbing malaking inspiration sa akin. Muli, salamat po at mabuhay ang kababaihan." ani Marian.

MORE ON MARIAN RIVERA:

LOOK: Marian Rivera shows off sexy body in a two-piece bikini 

Marian Rivera drops hints about her new talk show online 

LOOK: Marian Rivera's sketch as Ynang Reyna of 'Encantadia'