
Sumakses si Jasmine Curtis-Smith sa March 29 episode ng Stars on the Floor 2026 dahil napuri siya ng nag-iisang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Ibinahagi ni Marian sa kanyang komento na napansin niya si Jasmine sa kanyang performance kasama si 1st.One Joker.
“Usually, 'yan kay Joker lang ako titingin. Sorry ha, palagi akong ganon kapag nandito na si Joker. Kay Joker ako. But this time, Jas, oh my god,” pag-amin ni Marian.
Pinuri ng head ng dance authority si Jasmine dahil sa ipinakitang improvement sa kanyang dancing skills.
“Alam mo, Jas, sinasabi ko talaga habang nanonood ako, ito 'yung bagay na bagay na gusto kong makita kay Jas e, na lumabas. Ito na 'yun,” sabi niya.
Dagdag pa niya, “Ito 'yung performance na favorite ko sa'yo.”
Ibinahagi rin ni Marian na na-proud siya kay Jasmine dahil sa kapansin-pansing improvement ng celebrity dance star, kahit pa ilang episodes pa lamang ang lumilipas.
Abangan ang high-energy performance sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.
Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa Stars on the Floor 2026: