
Star-studded ang uupong dance authority panel ng upcoming talent competition na Stars on the Floor.
Makakasama ni Alden Richards na magsisilbing host ng programa ang mga miyembro ng dance authority panel na sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Star Comedienne of the Dance Floor Pokwang, at Dance Trend Master Coach Jay na choreographer ng SB19.
Overflowing na energy at kakaibang chemistry ang ipinakita nang tatlo nang makapanayan ni Nelson Canlas sa 24 Oras.
Saad ni Marian, "Kasi, ang sarap magtrabaho na lahat sila, parang ang gaan magtrabaho. Actually nilu-look forward ko palagi, sabi ko nga kay Dong, 'Bakit ganun, pag-uuwi ako sa bahay hindi ako makatulog?' Parang ang taas ng energy ko. Tawa siya nang tawa siya tapos sabi niya, 'Ano ba pinaggagagawa niyo doon?' E, nagsasasayaw kami doon."
Dagdag ni Pokwang, "Tapos nagtataka pa siya bakit ang taas ng energy siya hanggang pag-uwi ng bahay. Ang kukulit, ang kukulit pero ang saya-saya sa set."
Ano kaya ang hinahanap nila Marian, Pokwang, at Coach Jay sa mga contestant na mga celebrity din?
Sagot ni Coach Jay, "Ako, nung tinanong gaano kahirap, nung una siguro mapi-feel ko na mahirap kasi nasa amin 'yung pagpili, e, baka mamali kami ng mapipili. Nung na-experience ko na, hindi pala siya mahirap talaga, kasi we need to talk after mag-perform. Mas madaling magsalita 'pag inspired ka doon sa pinanood mo."
Panoorin ang buong report ni Nelson Canlas sa 24 Oras dito:
Abangan ang world premiere ng Stars on the Floor simula June 28, Sabado, sa GMA.