GMA Logo Zia Dantes
Photo by: marianrivera (IG)
Celebrity Life

Marian Rivera, proud na ibinahagi ang pagkapanalo ni Zia sa swimming competition

By Aimee Anoc
Published March 6, 2023 9:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Zia Dantes


Nanalo ng medalya sa isang swimming competition ang panganay na anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia.

Proud na ibinahagi ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang bagong accomplishment ng panganay na anak na si Maria Letizia "Zia" Dantes.

Sa kanyang Instagram stories, ipinakita ni Marian ang larawan ni Zia habang suot ang medalyang napanalunan nito sa isang swimming competition.

Sa isa pang post, ibinahagi ng aktres ang black and white photo ng seven-year-old na anak habang naghahandang mag-dive sa pool.

"So proud of you mahal," sulat ni Marian.

Pinasalamatan din ni Marian ang coach ni Zia na si Angelo Lozada, "Salamat, coach @swimcoachangelo."

Hindi lamang si Zia ang athletic sa kanilang pamilya dahil maging ang nakababata nitong kapatid na si Sixto ay nag-aaral din ng taekwondo.

MAS KILALANIN SI ZIA DANTES SA GALLERY NA ITO: