Nitong Miyerkules, April 15, nag-post si Marian sa kanyang Instagram account with the caption "Maraming Salamat, Gawad Sulo ng Bayan at Golden Torch CCA, INC. para sa parangal na ito bilang natatanging Pilipinang Aktress sa Pelikula at Telebisyon at sa pag bibigay halaga at respeto sa mga kababaihang hindi takot ipahayag ang kanilang adhikain at saloobin. Mabuhay ang Bawat kababaihan!"
Ayon sa Facebook page ng naturang award-giving body, kabilang sa Kapuso personalities na kanilang pinarangalan ay ang The Rich Man's Daughter co-stars ni Marian na sina Glaiza de Castro at Charee Pineda, Miss World 2013 Megan Young, Binibining Pilipinas 2015 candidate Winwyn Marquez, and broadcast journalist Jessica Soho.