Article Inside Page
Showbiz News
Tuloy na tuloy na ang 'Darna' this August! At para kay Marian Rivera, ito na marahil ang peak ng kanyang career as the most-sought after actress in showbiz.
Tuloy-tuloy na sa Agosto ang most anticipated prime time series kung saan tampok ang ating paboritong female lead star na si Marian Rivera. At para kay Marian, ito na ang show na epitome ng kanyang career as the most-sought after actress this side of show business. Text by Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio.

"Actually, nung nalaman ko pa lang na ako si Darna, eh sobrang excited na ako. Eh ngayon, kung meroon pang mas excited sa salitang 'excited'—'yun na 'yung nararamdaman ko ngayon talaga. Super excited, 'yun na 'yung nararamdaman ko ngayon," remarked Marian Rivera nang makausap siya kamakailan ng iGMA.
Kinamusta namin ang kanyang feelings sa panibagong tambalan nila ni Mark Anthony Fernandez, and para kay Marian medyo maaga pa sa stage na ito, to tell.
She declared, "Mahirap pangunahan, first time ko makakatrabaho si Mark at hindi ko pa siya nakikilala ng personal. Pero 'yung siya, ngayon pa lang kami nagkakaroon ng bonding."
Kay Iwa Moto naman, ang aktres na gaganap bilang kanyang mortal na kalaban na si Valentina, ay all praises naman siya: "Alam naman natin lahat na magaling umarte si Iwa, seksi, at alam ko na malaki ang tiwala ko sa kanya na magagampanan niya talaga ang Valentina. Hindi puedeng walang kontrabida dahil hindi mabubo ang pagkatao ng isang bida kung walang kontrabida."
And, speaking of the story, at naka-linya sa pakay ng GMA Network na maging isang pag-reinvent kay Darna, binigay ni Marian ang kanyang opinyon sa magiging development nito: "Madaming twist, eh. 'Tsaka sobrang ganda nung istorya! And I'm sure ang dami nilang aabangan sa bawa't cast, sa bawa't isotrya, sa bawa't yugto ng paglaki ni Darna at 'tsaka ni Valentina.
"Mapapanood nila kung bakit naging Darna si Narda, [at kung] bakit naging Valentina 'yung batang Valentina. Mabubuo 'yun lahat."
Sa mga on-going training naman niya, kanyang inadmit na medyo nahirapan siya nung umpisa, pero she literally got the hang of playing Darna at ang mga ma-aksyon na sequences na kailangan dito.
"Kasi mahilig ako sumakay sa mga [amusement park] rides. Kaya 'yung 'pag nagha-harness ako—although nung una nahirapan talaga ako at masakit talaga siya—pero habang nagtatagal ine-enjoy ko na siya," Marian confesses. "Feeling ko na lang eh nasa rollercoaster ako, sumasakay ako ng rides. Pero may mga pagkakataon na masakit talaga siya."
Sa usapang ratings naman, we know na maraming nag-eexpect na this would equal or even surpass the previous shows kung saan siya naging tampok. Ngunit banggit ni Marian na she would rather concentrate on the project instead of how the show would rate, sa ngayon.
"Siguro, isipin na lang natin na mas gusto ko na mas maramdaman ko 'yung pagka-excited at pagiging masaya," she clarified. "Kesa sa sabihin ko na, 'Ay, natatakot ako! Ay, kinakabahan ako!' Siguro mas masarap isipin na, 'Ay, excited ako at gagawin ko 'to, kasi gusto ko at pangarap ko 'to.'"
In parting, Marian acknowledged na team effort talaga itong kanilang project at focused ito sa pag-reinvent ng isang classic na Pinoy superhero: "Pero, I'm sure naman na kapag habang napapanood nila ang
Darna ay hindi lang ako din 'yung aabangan nila, kundi 'yung mga kasama ko din kasi halos lahat sila ay magagaling talaga at sobrang proud talaga ako sa cast ng
Darna."
Kamustahin ang pagiging Darna ni Marian ng deretsahan! Text MARIAN [your message] Send to 4627 for all networks. For GOMMS (wallpaper) just text GOMMS MARIAN to 4627 for all networks. Telco charges apply. (This service is only available in the Philippines.)
Pag-usapan si Marian at ang kanyang panibagong project na Narda. Mag-log on na sa iGMA Forum! Not yet a member? Register
here!