Hindi kapansin-pansing apat na buwan nang nagbubuntis ang Kapuso Primetime Queen.
By CHERRY SUN
Hindi kapansin-pansing apat na buwan nang nagbubuntis ang Kapuso Primetime Queen.
Sexy pa rin si Marian Rivera nang sumabak sa isang pictorial para sa kanyang pinakabagong endorsement. Ito ang pagbabalik-trabaho ng aktres matapos magpahinga para sa unang trimester ng kanyang pagbubuntis.
Kinuwento niya sa Balitanghali kung bakit hindi pa bakas ang kanyang baby bump. Aniya, “Wala pa talaga. Baka maliit talaga ako kasi maliit ako magbuntis. Ewan ko, pero malay mo after five months lumobo.”
“Wala ako hinahanap na pagkain. Siguro morning sickness lang which is normal daw sa nagbubuntis at sign daw ‘yan na healthy talaga ‘yung baby,” wika niya.
Bahagi niya, “Nandyan talaga si Dong para i-guide ako, para bilhan ako ng mga pagkain na kailangan ko kainin. Tapos minu-minuto yata nagtetext siya, ‘Ano, ok ka lang ba? Ano nararamdaman mo? Kailangan mo na ba ako dyan?’ Nakakatuwa lang na ganun siya mag-alaga.”
Aminado rin si Marian na nami-miss niya ngayon ang mga kaibigan at naging katrabaho sa The Rich Man’s Daughter. Dagdag pa niya, maliban sa maganda ang kwento nito ay hangang-hanga raw siya kay Glaiza de Castro.
“Siya talaga ‘yung isa sa pinili ko makapareha ko talaga dahil napakahusay. At hindi lang ‘yun, napakadaming mabibigat na cast na nandoon na naniniwala ako na wala man ako doon, magugustuhan talaga nila ‘yung soap opera,” sambit niya.