Article Inside Page
Showbiz News
There is talk that Marian Rivera will be the next "Dyesebel." But she refuses to assume anything until she receives a formal offer from GMA.
Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA!
Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered!
Be on the lookout for multiple updates within the day - you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world.
Ayaw munang umasa ng young actress na si
Marian Rivera sa balitang siya na ang gaganap sa TV remake ng isa sa sikat na komiks classic ni Mars Ravelo na
Dyesebel.
Ayon kay Marian, wala pa naman formal offer sa kanya para gumanap sa role ng pinakasikat na sirena sa mundo ng komiks, na noong gawing pelikula ay ginampanan nina Edna Luna, Vilma Santos, at Alice Dixson.
Sinabi pa ni Marian na hindi pa naman daw siya kinakausap ng GMA-7 management tungkol sa naturang project na magiging kapalit daw ng Marimar na matatapos sa March 2008. Nabasa lang daw niya na siya ang napipisil na gumanap bilang
Dyesebel, pero hindi raw siya magbabase dito, not until sabihan siya nang pormal.
"Mabuti na yung pormal ang lahat," sabi ni Marian sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Ayoko namang mag-feeling na ako na ang gaganap sa project na ito pero may naiisip pa pala silang ibang aktres. Hintayin ko na lang siguro kung ano talaga. Mahirap mag-assume, di ba? Tutal nandiyan pa naman ang
MariMar. Magiging busy pa rin ako until early next year."
In case na pormal nang ibigay sa kanya ang
Dyesebel, willing bang mag-topless si Marian para sa role na 'yon?
"Bakit naman hindi?" sabay tawa niya. "Oo naman, wala namang sirenang naka-bra, di ba? Except siyempre sa Disney cartoon na
The Little Mermaid kasi pambata naman 'yon. Pero sa mga foreign movies na tungkol sa sirena, wala naman talaga silang suot na bra. Puro buhok lang na nakatakip sa dibdib nila."
Payag daw si
Marian
mag-topless dahil alam niyang maaalagaan nang husto ang mga eksena niya kapag magaling na direktor ang hahawak.
Samantala, isa sa pinaka-in demand na aktres ngayon si Marian dahil sa success ng
MariMar. Bukod sa ito ang highest rating na programa ngayon, siksik pa ito ng commercials. Kaya naman si Marian ay sunud-sunod din ang mga commercials na natatanggap gawin.
"Nagkataon lang po," nakangiting sabi ni Marian. "Natutuwa naman ako na nabibigyang-pansin na ako because of
MariMar. Maraming nabago sa buhay ko dahil sa pagbibigay ng tiwala ng GMA-7 sa akin. Masasabi ko na unti-unting nababago ang takbo ng buhay ko at ng pamilya ko."
Sa darating na 2007 Metro Manila Film Festival, dalawa ang pelikulang kinabibilangan ni
Marian -- ang
Bahay Kubo na ipalalabas sa December 25 at
Desperadas sa January 1. --
PEP (Philippine Entertainment Portal)
Do you think Marian is perfect for the role of Dyesebel? Or do you have another person in mind to play the role? Talk about it at the
iGMA
forums! And if you're not yet registered, you can
register now! Who knows, you might even get to chat with your favorite Kapuso Star through
iGMA Live Chat!
If you want to be the first to know about showbiz scoops, find out from the stars themselves!
Feel the Fun with Fanatxt by texting MARIAN to 4627! (Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, while it costs P2.00 for Sun subscribers.)
Meanwhile, you can catch Marian every weeknight in the sizzling sensation that's sweeping the nation:
MariMar. Catch new episodes every afternoon after
Carlo J. Caparas' Kamandag.