What's Hot

Marian Rivera, sinagot ang tanong kung makakabilang siya sa cast ng 'Descendants of the Sun'

By Bianca Geli
Published September 5, 2019 4:15 PM PHT
Updated September 5, 2019 4:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mister, hinabol ni misis na armado ng itak sa Northern Samar
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News



Si Marian Rivera nga ba ang gaganap bilang lead female role ni Dr. Kang sa Philippine adaptation ng Korean drama na 'Descendants of the Sun?'

Ngayong balik showbiz na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera matapos ang kanyang maternity leave, mainit ang usap-usapan online na posibleng siya ang gaganap bilang lead female role ni Dr. Kang sa Philippine adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun.

Marian Rivera


Sa recent media conference para sa anniversary special ng Tadhana, nag-react si Marian patungkol sa mga hinala ng netizens na siya ang magiging katambal ni Dingdong Dantes na gaganap bilang bida sa nasabing teleserye.

Pahayag ni Marian, “Mamaya mayroon na talagang leading lady, hindi pa lang ina-announce ng GMA.”

“Sa ngayon ang hirap talaga kasi ang layo. Nueva Ecija 'yung location nila tapos two days straight wala silang uwian. So paano 'yun? Kaladkad ko si Ziggy sa taping tapos si Zia nag-aaral? Ako ['yung naghahatid]-sundo sa anak ko,” paliwanag niya.

“Ang hirap magsalita tungkol sa show na 'yan kasi 'di ba, kawawa naman baka may leading lady tapos pinu-push ninyo ako.

“Siyempre looking forward naman ako na makatrabaho 'yung asawa ko pero sabi ko nga, siguro, sa tamang panahon.”

Kung hindi man daw para sa kanya ang Descendants of the Sun, looking forward naman daw si Marian na makatrabaho si Dingdong sa Tadhana bilang kanyang leading man o director. “Tingnan natin. Pero sa Tadhana, hahanap talaga kami ng time [na magkatrabaho kaming dalawa]. Kakausapin ko ulit siya, ang busy kasi."

Nananatili namang bukas si Marian sa kung ano mang mapagkasunduan nilang proyekto ng Kapuso network. Aniya, “Tingnan natin. Minsan kasi mahirap magsabi ng oo o hindi, malay mo may magandang project din naman ang GMA para sa akin.”

“Depende, kasi minsan ang GMA nagbibigay ng hindi mo pa naiisip. So hintayin ko kung ano ang i-o-offer nila kapag ready na ako.”

Dinadahan-dahan din daw ni Marian ang pagbabalik telebisyon, “Pero sabi ko nga, gradual. Tadhana and then Sunday PinaSaya then baka may isang show akong gawin, malay mo soap opera ulit.

So ibig sabihin ba nito ay hindi siya ang gaganap bilang Dr. Kang? Sagot ni Marian, “Sa ngayon, oo…kasi hindi talaga [kaya].”

15 times Marian Rivera showed just how fashionable Filipino weaves truly are