
Bumisita ang nag-iisang reyna sa buhay ng multi-awarded actor na si Dingdong Dantes na si Marian Rivera habang nasa taping ng hit GMA Prime series na The Master Cutter.
Sa isang web exclusive feature na in-upload sa GMA Drama, makikita na nakikipagkuwentuhan si Dingdong sa co-star niyang si Rio Locsin nang biglang sumulpot si Marian.
Kitang-kita ang tuwa sa Kapuso actor na nakabisita ang misis niya sa set.
Ilan pa sa na-meet ng Kapuso Primetime Queen sa taping ay sina Direk Dominic Zapata, Sienna Stevens, at Charlie Fleming.
Samantala, inanunsyo na ng DongYan na pupunta sila sa Canada para kunan ang ilang eksena sa gagawin nilang pelikula na Remember.
Dito reunited ang dalawa sa box-office director na si Mae Cruz Alviar na nakasama nila noon sa Metro Manila Film Fest entry na Rewind na kumita ng mahigit isang P1 billion sa takilya.
RELATED CONTENT: The many times DongYan endearingly supported each other's endeavors