
Patuloy na dumarami ang mga nakapanood ng pelikulang Balota, na pinagbibidahan ng Cinemalaya 2024 Best Actress na si Marian Rivera, simula noong unang lumabas ito sa mahigit 160 cinemas nationwide.
Maraming magagandang feedback ang natatanggap ng pelikula dahil sa mensahe ng istorya at husay ng cast nito. Katunayan, patuloy na dinadagsa ng mga tao ang mga sinehan para mapanood ang Balota at siyam na screenings ng pelikula ay sold out nitong Lunes (October 21).
Natutuwa ang lahat ng bumubuo ng pelikula dahil ang kanilang layunin ay makarating ang mensahe nito sa mas marami pang tao.
Samantala, sa isang Instagram post ni Marian, ibinahagi niya ang tungkol sa special rate para sa mga guro at estudyante at aniya'y iba-iba ang purpose ng pelikula.
Ayon sa award-winning actress, ginawa nila ang Balota dahil naniniwala sila na malaki ang naitutulong ng mga guro at estudyante para sa mas magandang kinabukasan ng bansa.
“Ang Balota ay ginawa namin para makatulong sa lipunan. At naniniwala kami (na nasa movie rin) sa kakayahan ng mga guro at estudyante para humubog ng mas magandang bukas para sa Pilipinas,” sulat sa kanyang caption.
Napapanood ang Balota in cinemas nationwide.
RELATED GALLERY: Celebrities na nagpakita ng suporta sa 'Balota' premiere night