What's Hot

Marian Rivera, tutok sa online schooling ng kanilang panganay na si Zia Dantes

By Aaron Brennt Eusebio
Published August 15, 2020 7:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pag-abli sa Davao City Coastal Road Segment B dili na madayon | One Mindanao
Bondi Beach hero becomes source of pride in Syrian hometown
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Zia Dantes online schooling


Aminado si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na isa siyang hands-on mom lalo na sa kanyang panganay na si Zia ngayong naka-online school ang kanyang anak.

Tutok ngayon si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera dahil sa online school ng kanyang panganay na anak na si Zia.

Ayon kay Marian, minsay ay nagtatanong sa kanya si Zia kung bakit online lang ginagawa ang kanilang klase.

Kuwento ni Marian, “Ngayon kasi nag-school na si Zia, so nagzu-Zoom class siya. So medyo tinutulungan ko siya at kailangan magamay niya kasi siyempre bago sa kanya.

“Medyo nahihirapan siya na parang, ba't wala siya sa school, bakit ganito, so ine-explain ko sa kanya na for the meantime lang.

“[Pero] nag-e-enjoy naman siya, 'yun naman 'yung importante. Ma-enjoy niya ulit 'yung school.”

Marian Rivera at Dingdong Dantes

Nagsimula na ang online school ng panganay na anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia. / Source: dongdantes (IG)

Ikinuwento rin ni Marian na naghahanda na siya sa pag-alis ng kanyang asawang si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Mawawala si Dingdong ng 12 days para 'closed group' shoot ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation).

Aniya, “12 days ata siyang hindi makakauwi ng bahay. Sabi ko nga, 'Ganun talaga, trabaho 'yan, ang mahalaga ay maging safe ka doon at 'yung mga kasama mo sa trabaho.'”

“Sabi ko nga, 'Ganun talaga, so kaunting tiis lang, basta ang mahalaga, makauwi nang ligtas sa amin, makauwi siya na safe siya.”

IN PHOTOS: Kapuso kids na naka-online learning ngayong GCQ

'DOTS' cast members, sabik nang magbalik-trabaho