
Sunod-sunod ang blessings ngayon para sa award-winning Kapuso actress na si Marian Rivera dahil sa kanyang upcoming projects.
Excited na ang Kapuso star sa kanyang pagbabalik-serye sa pamamagitan ng Behind Closed Doors.
Kakaiba raw ang magiging experience ng aktres dito, lalo na't first time niyang gaganap bilang isang TV reporter.
"So, nakapag-look test na kami ng lahat ng cast. Very excited na rin kami na masimula ito," aniya sa isang panayam sa GMANetwork.com.
"First time ko rin magiging reporter. So, kailangan pag-aralan ko 'yung character."
READ: Marian Rivera embraces role as TV reporter on new series 'Behind Closed Doors'
Pero bago ang kanyang inaabangang pagbabalik-serye, excited din si Marian na mapanood na sa mga sinehan ang pelikulang Remember, na pinagbibidahan nila ng kanyang asawang si Dingdong Dantes.
"Sa totoo lang, ito 'yung pelikulang sobrang excited kami na ipalabas at manood yung mga tao. Dahil alam namin, paglabas ng sinehan, marami silang ma-realize, maiisip," sabi niya.
"At sa dami na ng nangyayari sa mundo natin ito, parang kailangan natin ng isang pelikulang magbibigay sa 'yo ng hope."
READ: Marian Rivera, open maging kontrabida sa 'The Master Cutter' ni Dingdong Dantes
Sa kabila ng sunod-sunod niyang proyekto, masaya rin si Marian na makipagkuwentuhan at makipagkulitan sa Unkabogable Star na si Vice Ganda sa Gandang Gabi Vice new season.
"Actually, very excited ako kasi ito 'yung first time na makakapag-usap kami nang medyo mahabang pagkakataon. Kasi most of the time nakikita lang kami, naggi-greet lang kami sa isa't isa," kuwento ni Marian.
"So, ito 'yung moment na may time talaga kaming makapag-usap...Alam kong magiging masaya ang interview na ito," dagdag pa niya.
Mapapanood ang chikahan at kulitan nina Marian Rivera at Vice Ganda sa Gandang Gabi Vice ngayong Linggo, October 25.
Samantala, mapapanood na rin sa mga sinehan ang Remember simula November 11.
Tingnan ang timeless beauty ni Marian Rivera sa gallery na ito: