Article Inside Page
Showbiz News
Sa sunod-sunod na mga projects ni Marian Rivera, may panahon pa kaya ang Kapuso Primetime Queen para mag-celebrate ng Christmas?
Katatapos lang mag-shoot ni Marian Rivera ng kanyang Metro Manila Film Festival entry, ang ‘Super Inday and the Golden Bibe’. Ngayon sumabak naman siya sa taping ng ‘Jillian: Namamasko Po’ as one of the show’s special guest. May panahon pa kaya ang Kapuso Primetime Queen para mag-celebrate ng Christmas? Text by Loretta G. Ramirez, Photo by Mitch S. Mauricio

Masayang nagkuwento si
Marian Rivera tungkol sa kanyang
bonding with the Kapuso child star na si Jillian Ward sa set ng Krismaseryeng
Jillian: Namamasko Po. Katatapos lang ni Marian na mag-shoot ng kanyang Metro Manila Film Festival (MMFF) movie, ang
Super Inday and the Golden Bibe at agad itong sumabak sa kanyang guest appearance sa Krismaserye.
Aminado si Marian na sobrang busy siya ngayon kaya malamang na hindi niya masamahan ang reel at real life partner na si
Dingdong Dantes sa Singapore para sa Asian TV Awards. Nominado ang aktor sa Best Drama Actor category ng nasabing award-giving body.
"Kasi gagawin ko ng yung
Temptation Island, tapos baka by next month gagawin ko na si
Bai Amaya, kasi baka umeere na kami sa February… Kahit naman nasaan akong lupalop, kahit hindi kami magkasama, nandito naman ako para sa kanya," ang pahayag ng aktres.
Sa sobrang busy niya ngayon, may panahon pa ba siya para magplano para sa darating na Kapaskuhan?
“Ngayong Christmas kailangan ano, panoorin ko sa sinehan itong
Super Inday ko!”
Dagdag pa ni Marian na very excited siya dito sa remake ng
Super Inday and the Golden Bibe, "Super excited ako kasi ngayon lang ako nagkaroon ng movie na talagang ‘yung title ako eh, kaya exciting talaga."
"At itong pelikula na ito ay pam-pamilya, ‘di ba? Pang-bata, girl, boy, bakla, tomboy. O ‘yan, sama-sama na ‘yan kaya panuorin ninyo yan!"
May plano ba sila ni Dingdong to go out of town ngayong Pasko?
"Pag-uusapan namin ‘yan. Imposible kasi na hindi rin kami aalis."
Pag-usapan si Marian Rivera sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!
Get in touch with Marianl.
Just text MARIAN (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper,
text GOMMS (space) MARIAN (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.