GMA Logo Maribeth Bichara at Geleen Eugenio
What's on TV

Maribeth Bichara at Geleen Eugenio, magtatapat sa 'Sarap, 'Di Ba?'

By Maine Aquino
Published July 21, 2023 10:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipino teachers face visa delays as US expands social media checks
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Maribeth Bichara at Geleen Eugenio


Tutukan ang bagong tapatan sa kitchen floor ng 'Sarap, 'Di Ba?' ngayong July 22.

Mapapanood ngayong Sabado, July 22, ang tapatan ng mahuhusay sa dance floor na sina Maribeth Bichara at Geleen Eugenio. Pero sa araw na ito, sila ay magpapakita naman ng galing sa kusina.

Makakasama nila sa pagalingan sa kitchen floor ang seasoned carinderia owners in Quezon City na sina Bhelle Cancio and Carol Menor. Ang huhusga naman sa kanilang lutuin ay ang food vloggers and social media influencers na sina Chef Hazel Añonuevo and Manuel Olazo.

Abangan ang exciting na kitchen showdown na ito sa Sarap, Di Ba?

Huwag magpahuli sa pagkakataong manalo sa Sarap Manalo Promo ng Sarap 'Di Ba? ngayong Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network.