GMA Logo Matet de Leon in Lutong Bahay
What's Hot

Maricar de Mesa, childhood dream ang maging artista?

By Hazel Jane Cruz
Published December 5, 2024 12:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - House representatives file resolution to investigate death of former DPWH Usec. Cabral (Dec. 22) | GMA Integrated News
Drunk man drowns at Digos beach
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Matet de Leon in Lutong Bahay


Artista nga ba ang first love ni 'MAKA' star Maricar de Mesa?

Napa-throwback ang aktres na si Maricar de Mesa at ang kaniyang Mommy Sena sa kanilang latest appearance sa GTV cooking talkshow na Lutong Bahay kasama sina Mikee Quintos at Chef Ylyt nang balikan ang kaniyang childhood dream na pagiging artista.

“Bata pa [lang] 'yan, 'pag Christmas party sa bahay, nangunguna 'yan, gusto siya [ang] nagho-host; gusto niya kakanta siya,” kuwento ni Mommy Sena “at mayroon kaming figurine na malaking elepante, tatayo siya doon, at doon siya kakanta.”

Matatandaang nagsimula si Maricar sa pag-aartista sa edad na 12 years old matapos madiskubre ng late Filipino TV host German Moreno o mas kilala bilang Kuya Germs.

“Si Kuya Germs kasi [ay] friend ng Daddy ko [at] nag-visit siya sa office ng dad ko [tapos] nakita niya 'yung picture ko sa office, sabi niya [sa dad ko], 'Uy, 'yung anak mo, baka gustong mag-artista, punta kayo sa Saturday, sa That's Entertainment, manood kayo'” kuwento ni Maricar.

Ibinahagi rin nito na talagang childhood dream niya ang maging artista.

“Artista talaga 'yung gusto ko maging paglaki ko o kaya beauty queen, eh kaso, hindi ako tumangkad,” biro ni Maricar.

Ngunit sa kabila ng natural na pagmamahal ni Maricar sa pag-arte, tutol umano ang kaniyang pamilya na sumabak siya sa showbiz.

Kuwento ng ina ni Maricar, “Against kaming lahat na pumasok siya (Maricar) ng showbiz. Napakiusapan [lang] kami ni Kuya Germs.”

Pero sa kabila nito, very supportive ang kaniyang mom at binabantayan pa niya si Maricar sa mga tapings nito, maging pagdating sa mga sexy scenes.

“Gusto mo 'yung nag-e-eksena ka diyan, may ka-kissing scene ka, tapos [si Mommy], [nakapamewang] siya at ayaw niya nang masyadong maraming tao,” natatawang kuwento ni Maricar.

Nagsimula si Maricar noong '90s at nagpatuloy sa pagiging aktibo sa showbiz ngayon sa GMA youth-oriented drama series na MAKA.

RELATED CONTENT: 20 photos that prove Maricar de Mesa is always hot and beach-ready!