
Diretsong inamin ni Maricar De Mesa na nagkaroon sila ng matagal na gap ni Aiko Melendez.
Ayon kay Maricar, matagal na silang magkaibigan ni Aiko bago pa man mangyari ito.
Saad ni Maricar sa Sarap, 'Di Ba? noong May 6, "Since bata pa kami, we're friends. Para kaming magkapatid. Bubble Gang days pa kami."
Ikinagulat naman ng host ng Sarap, 'Di Ba? na si Carmina Villarroel ang kuwentong ito dahil matagal na rin niyang kaibigan si Aiko at hindi raw niya nabalitaan ang issue na ito. Pag-amin ni Maricar, matagal na nangyari ito at matagal din ang naging gap nila ni Aiko.
PHOTO SOURCE: msmaricardemesa
"Matagal na. Matagal din kaming hindi nag-usap. Okay na, finally, after a long time."
Ikinuwento naman ni Maricar kung paano sila nagkaayos ng kaniyang kaibigan.
"Ito yung nakakatuwa, 'yung show is Tadhana. Two moms kami na nag-aagawan kami sa isang bata 'yung story. Tapos noong nakita ko 'yung cast sabi ko, I think it's time. Noong dumating ako nakaupo na siya nagpapaayos siya, ako lumapit sa kaniya."
Saad pa ni Maricar, ang kanilang naging gap ni Aiko ay mula sa isang misunderstanding.
"Misunderstanding kasi may mga ibang taong involved e. Sabi ni ano, sabi ni ano. Nang dahil 'to sa separation ko noong araw e. Ganoon ka-personal 'yung issue."
Panoorin ang kuwento ni Maricar dito:
SAMANTALA, BALIKAN ANG BEACH-READY PHOTOS NI MARICAR DITO: