Article Inside Page
Showbiz News
Kamusta na ang status ng annulment nina 'Once Upon A Kiss' star Maricar de Mesa at Don Allado.
By MICHELLE CALIGAN
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Maraming kontrabida roles na ang nagampanan ni Maricar de Mesa kaya hindi na siya natatakot na ma-typecast sa ganitong klaseng character.
"Actually mas nabibigla ako kapag hindi kontrabida ang role ko, ang binibigay sa akin. Sanay na," pahayag niya nang makapanayam ng entertainment press sa story conference ng upcoming primetime series na Once Upon A Kiss na pagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Gaganap si Maricar bilang kontrabida na siguradong kaiinisan ng televiewers.
Kinamusta rin ng press ang status ng kanyang annulment sa asawang si Don Allado. Maaalalang
nakipaghiwalay ang aktres kay Don early this year dahil may ibang babae raw ito.
"Moving forward na. Wala na ako doon. Everything is going smoothly, processing na. Hindi na rin ako puwede masyadong magsalita about it. Na-advise na din ako ng lawyer ko about the annulment, it's ongoing na. Naghihintay na lang ako. 'Yun ang Christmas wish ko."
Nag-uusap ba sila ngayon?
"Not at all. Pero noong birthday ko, nag-greet siya at midnight. Weird (laughs). Nag-effort naman siya na bumati sa akin. Sumagot naman ako, sabi ko 'Thank you!'," natatawa niyang sagot.
Masaya rin si Maricar dahil natupad ang kanyang birthday wish na magkaroon ng peace of mind.
"Sabi ko kay Lord, 'yun na lang ang bigay Niya sa akin na birthday gift. 'Yung peace of mind and serenity and strength na maka-move on ako. And I think, I can say now na yes. Hopefully, pagpasok ng 2015, a lot better."