
Ipinasilip ng Sparkle star na si Maricar de Mesa ang kanyang bagong gagampanang karakter sa upcoming Kapuso series na Delivery Boi.
Sa Instagram, in-upload ng celebrity mom ang kanyang mga larawan, pati ang video clip kung saan kasama niya ang co-stars na sina Will Ashley, Eric Quizon, Yasser Marta, at Vince Maristela.
“New character — unlocked SOON!!” sulat niya sa caption kasama ang hashtag ng titulo ng bagong serye.
Ang Delivery Boi ay pagbibidahan ni Will Ashley kasama ang mga premyadong aktor na sina Eric Quizon, Keempee De Leon, Meryll Soriano, Maricar De Mesa.
Kabilang din sa powerhouse cast ng upcoming serye sina Yasser Marta, Vince Maristela, Mikoy Morales, Angellie Sanoy, Juharra Asayo, Baninay Bautista.
Abangan ang Delivery Boi, soon sa GMA.
Related gallery: Inspiring trips of Maricar de Mesa and daughter Sky