
Sa episode 149 ng Kambal, Karibal, pilit na binawi nina Geraldine (Carmina Villarroel) at Allan (Alfred Vargas) si Crisel (Pauline Mendoza), na nasa katawan ni Cheska (Kyline Alcantara), sa poder ni Maricar (Sunshine Dizon).
Ngunit, sa lakas ni Cheska, napigilan niya itong makaalis.
Hindi naman nagpasindak si Maricar matapos siyang bumunot ng baril at tinakot ang mag-asawa na kakasuhan ng trespassing.
Ipinaliwanag naman nina Geraldine at Allan na matagal nang patay si Cheska. Sinang-ayunan naman ito ni Diego (Miguel Tanfelix) at doon pa lang naniwala si Maricar.
Ang muling pagpapalabas ng Kambal, Karibal ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.
Patuloy na subaybayan ang hit 2017-18 series Lunes hanggang Biyernes sa bago nitong oras na 10:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, maaaring mapanood ang aired full episodes ng Kambal, Karibal at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.
Ang Kambal, Karibal ay pinagbibidahan nina Bianca Umali, Pauline Mendoza, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.
Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Christopher De Leon, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gardo Versoza, at Ms. Gloria Romero.
Kabilang din sa supporting cast ng programa sina Jeric Gonzales, Chesca Salcedo, Rafa Siguion-Reyna, Eliza Pineda, Sheree, Miggs Cuaderno, at Raquel Monteza.