GMA Logo Maricar Reyes
What's on TV

Maricar Reyes on why she wrote a book on her scandal: 'To help women going through dark times'

By Kristian Eric Javier
Published August 19, 2024 6:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Maricar Reyes


Maricar Reyes, mas pinili umano kunin ang accountability ng kaniyang ginawa kaysa manisi, ayon kay Richard Poon.

Hindi biro ang naging journey ng aktres na si Maricar Reyes matapos masangkot sa isang video scandal noon. Kaya naman, laking gulat ng mga tao nang maglabas siya ng libro tungkol dito at sa paglalakbay niya para unti-unting gumaling ang sakit na dulot ni ng pangyayari.

Ngunit para saan nga ba ang pagsulat niya ng libro tungkol dito?

Sa pagbisita ni Maricar at ng asawa niyang si Richard Poon sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, August 19, ikinuwento ng aktres kung ano ang nagtulak sa kanya sa pagsulat ng kaniyang libro.

Aniya, naging “too much” na ang mga bagay-bagay para sa kaniya kaya't kinailangan niyang isulat ang libro.

“What happened, I feel like I've been turned inside-out kasi all my life, the way I would do things, the way I would live life na tama, is you try to look good, you do good, external stuff. Basta if you look good, people don't see the bad stuff you're doing, you're okay,” sabi ni Maricar.

Pagpapatuloy ng aktres, nasira noon ang reputasyon niya at alam niyang hindi na niya iyon makukuha pang muli. Ngunit kalaunan ay natutunan niyang i-let go ang ideya na ang pagkakakilanlan niya ay ang kaniyang reputasyon.

“What really needed work pala was my inside, hindi 'yung panlabas ko na the external stuff I do. It's actually my heart, there's a lot of dark thing there na hindi ko alam dahil nga ang lakas ng exterior ko,” sabi ng aktres.

Kuwento ni Maricar, naging malaking tulong ang asawang si Richard sa kaniyang pag-move forward dahil sa honesty nito at kakayahang himayin kung ano ang totoong nararamdaman niya.

Ngunit aniya, naging malaking bahagi rin ng kaniyang journey ang mga kababaihan na nakilala niya.

“I was shocked, I was introduced to women na sobrang brutal din with their struggles and very honest na parang 'Ito 'yung sablay ko, yes, I went through this trauma. But actually, what dug me into a deeper hole, was my response, not the trauma,'” pagbabahagi ni Maricar.

TINGNAN ANG 10 YEARS OF MARRIAGE NINA RICHARD AT MARICAR SA GALLERY NA ITO:

Ikinuwento ni Maricar sa libro ang mga pinagdaanan niya noon ngunit hindi siya nagbanggit ng pangalan. Nang tanungin siya ni Boy Abunda kung bakit hindi, ang sagot ng aktres, “Why should I name names eh ang tagal na rin?”

“And 'yun nga, the primary purpose of the book is to help women who are also going through dark times. So 'yun talaga 'yung purpose ko. At tsaka to show them my journey and then if somebody will learn something, if my journey will help them, eh 'di, I've done my job,” pagpapatuloy ng aktres.

Dagdag naman ni Richard Poon, ang gusto umano ni Maricar sa pagsulat niya ng libro ay mag-focus sa accountability niya sa mga ginawa niya.

“Some other books, pwede naman niya kunin 'yung route na 'Hindi, biktima ako. Magne-name ako ng names para malaman ng lahat na inosente ako at sila ang gumawa ng mali.' Puwede rin naman ganu'n,” ani Richard.

Pagpapatuloy ng singer, “Pero hind niya purpose 'yun e. Ang purpose niya is 'There's nothing we can do about the other side. Ang side ko ang puwedeng may accountability.' So kaya walang names, 'I will focus on my mistakes.'”

Inamin din ni Maricar na naisip niya noon magpunta sa korte at magsampa ng kaso, ngunit sa huli ay hindi niya itinuloy at sinabing “it wasn't the route for me.”

“In theory, not to ano naman din the justice system, it's there for a reason. But the path that's being presented to me, hindi para sa 'kin,” sabi ng aktres.