
Isa ang mahusay at batikang aktres na si Maricel Laxa-Pangilinan sa mga naging guest celebrity mom ng Bawal Judgmental sa Eat Bulaga nitong Miyerkules, October 6. Dito ay napag-usapan ang naging takbo ng showbiz career ni Maricel.
Kuwento ng celebrity mom, balak na sana niyang magretiro agad noon sa showbiz nang mapangasawa niya ang businessman at motivational speaker ngayon na si Anthony Pangilinan pero hindi raw ito sumang-ayon sa kaniyang plano.
“Actually the minute na nag-asawa ako, sabi ko sa asawa ko retired na ako. Eh ang aga ko nag-asawa e, 23 years old pa lang eh. Sabi niya, ha? Magre-retire ka na? Sayang. Mag-trabaho ka,” kuwento niya.
Katuwiran daw ng kaniyang mister, mas malaki daw ang kinikita ni Maricel sa pagiging artista kumpara sa kita nito sa corporate world.
“Kasi daw, siya sa corporate world yung kita niya konti lang daw, kumpara sa kinikita ko sa showbiz,” natatawang ibinahagi ni Maricel.
Dagdag pa niya, wala pa naman daw silang mga anak noon, kaya naisip ng kaniyang asawa na masasayang lang ang panahon kung iiwan niya agad ang showbiz.
Pero pagkatapos daw ng tatlong taon, sunud-sunod naman daw silang biniyayaan ng mga anak. Kaya napagdesisyunan niyang maging inactive muna sa industriya at mag-focus muna siya sa pag-aalaga sa kanilang pamilya.
Sa ngayon ay tutok din si Maricel sa kaniyang mga anak, lalo na sa anak niyang si Donny Pangilinan na pinasok na rin ang mundo ng showbiz.
“Lagi kong tinuturo sa kaniya na, you always look back to where you started and maging humble ka. Tulungan mo yung mga tao sa paligid mo na maging successful. Yung presence mo dapat nagpapabuti sa buhay nila,” aniya.
Panoorin ang buong panayam ng Dabarkads kay Maricel, dito:
Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang ilang viral moments sa Eat Bulaga's Bawal Judgemental: