What's Hot

Maricel Soriano, hindi ordinaryong kaeksena sa Protégé

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 6, 2020 11:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

8 members of Taguig City carnapping gang nabbed
This stunning bamboo sanctuary in Cavite just made TIME's World's Greatest Places 2026 list
CDO exec alarmed by 14 tons of daily medical waste

Article Inside Page


Showbiz News



Isang matinding acting challenge ang naging hamon sa mga protégés nitong nakaraang linggo, at ito ay ang makaeksena ang Diamond Star na si Ms. Maricel Soriano sa isang short film. Ang nabuo nilang short films ay ipinalabas noong gala night at naging basehan ng mga judges sa kanilang pagboto.


Isang matinding acting challenge ang naging hamon sa mga protégés nitong nakaraang linggo, at ito ay ang makaeksena ang Diamond Star na si Ms. Maricel Soriano sa isang short film. Ang nabuo nilang short films ay ipinalabas noong gala night at naging basehan ng mga judges sa kanilang pagboto.
 
In an interview with HOT TV, inilahad ni Marya masaya siyang makatulong sa mga nangangarap mag-artista sa pamamagitang ng mga acting challenges tulad nito.“Bawat sequence na ginawa namin, iba-iba yung storya. So maganda for them ang experience na yun,” kuwento niya.
 
Nakita rin ng batikang aktres na pursigido ang mga protégés na maabot ang kanilang mga pangarap at gagawin nila ang lahat para makamit ito. “Natuwa ako dun sa mga bagets kasi talagang ‘Wow!’ They are very dedicated, kaya nga congratulations sa mga mentors, ang galing-galing ninyo at ang galing-galing din ng mga bata. Wala akong masabi,” she explains.
 
Nagustuhan rin ng Diamond Star na tinutulungan ng mga artista ang mga nagnanais sumunod sa yapak nila. “Natuwa ako dahil nagsilbing inspirasyon ang mga artista sa kanila para gustuhin nilang pasukin ang pagiging artista,” Maricel shares.
 
Limang short films directed by award-winning director Brillante Mendoza ang ipinalabas noong fourth gala night at dito napanood ang acting skills na taglay ng bawat protégé. Sina Elle Ramirez, Andres Vasquez, Bryan Benedict, Mikoy Morales, and Zandra Summer ang nakatanggap ng special acting awards at automatic immunity sa naganap na elimination. Si Reese Tayag ng Northern and Central Luzon naman ang hindi pinalad na natanggal sa kompetisyon.
 
Alamin kung ano ang susunod na gagawin ng inyong favorite protégés sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break, only here on GMA-7. - Michelle Caligan, GMANetwork.com