Article Inside Page
Showbiz News
Sa muling pagbabalik telebisyon ng nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano via the primetime series 'Ang Dalawang Mrs. Real', muli ring nanumbalik ang sigla ng kanyang fans na gabi-gabi siyang inaabangan.
By MICHELLE CALIGAN
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Sa muling pagbabalik telebisyon ng nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano via the primetime series
Ang Dalawang Mrs. Real, muli ring nanumbalik ang sigla ng kanyang fans na gabi-gabi siyang inaabangan. Aminado ang batikang aktres na natutuwa siya sa suportang kanyang natatanggap mula noon hanggang ngayon.
"Tuwang tuwa ako sa kanila, kasi sila may mga diperensiya kagaya ko. May diperensya sila dahil sa sobrang pagmamahal sa akin, unconditional. Kaya lagi ko silang pinapasalamatan, kasi ano pa ba ang puwede kong gawin, hindi ko naman sila masasayawan," ang nakakatawa niyang pahayag.
Dahil sa hindi matatawarang pagmamahal ng kanyang mga tagahanga, she always acknowledges their contribution to her career.
"Kung may panalo, may achievement, sila lagi ang nasa utak ko. Hindi ako mapupunta sa podium na 'yan at magsasalita ng kung ano-anong pasasalamat kung hindi din dahil sa kanila. Lagi ko 'yan sinasabi. Wala ako siguro dito, wala ako doon."
Unlike other fans who bash celebrities, hindi daw ganoon ang fans ni Marya dahil pinagsasabihan niya ang mga ito. "Marami akong pinaparating sa kanila. Unang una na diyan is huwag silang makipag-away, dahil out sila. Magagalit ako, kaya hindi sila nakikipag-away. Try lang nila, out na!"
May nais pa ba siyang iparating sa kanyang supporters?
"Dahil sa kanila kaya nandiyan pa rin ako hanggang ngayon. It's been 44 years, that's why I would like to say, from the bottom of my heart, hanggang sa dulo ng aking kaluluwa, nagpapasalamat ako sa mga 'yan na may mga diperensya. Alam nila 'yan."