
Ibinahagi ng Miss Philippines International 2017 na si Mariel de Leon ang mga nakukuha niyang reaksiyon sa mga taong nakatrabaho niya sa unang pagkakataon.
Sa tweet ng beauty queen kahapon, August 15, madalas daw sinasabi ng mga taong ito na “mabait ka pala” o “akala ko mayabang ka.”
Kaya naman nag-iwan siya ng payo sa mga netizens sa Twitter na kilalanin muna ang isang tao bago sila maniwala sa mga sabi-sabi o tsismis.
Anak si Mariel ng veteran stars na sina Christopher de Leon at Sandy Andolong.