
Hindi pinalagpas ng celebrity mom na si Mariel Padilla ang isang comment ng netizen tungkol sa kanyang pangangatawan.
Mariel Padilla marks Maria Gabriela's 5th month by creating an Instagram account
Makikita sa Instagram post ng TV host kung saan may ine-endorse siyang detergent product ang comment ng isang netizen na "tumaba" ito.
Agad na nag-reply si Mariel Padilla at nag-iwan ng payo sa netizen.
Wika niya, "Mag raramadan na.. ihanda mo siguro muna ang iyong sarili sa darating na Ramadan kesa pinupuna mo ang obvious at hindi naman tinatago."
Ipinanganak ni Mariel ang second baby nila ni Robin Padilla na si Gabriela noong November 15, 2019.