
Sa isang post sa Instagram, ikinuwento ni Mariel Padilla ang nangyari sa mismong araw ng birthday ng anak niyang si Isabella noong Nobyembre 14.
Bago ang engrandeng selebrasyon, isang cake muna ang pinagsaluhan ng mag-ina.
IN PHOTOS: Isabella Padilla's pre-birthday shoot
"We wore Minnie [Mouse] clothes, I brought her favorite ube cake and she had it for dinner," sulat ni Mariel.
Noong isang taon, isang magarbong party ang hinanda nina Mariel at Robin Padilla para kay Isabella na inspired ng kultura at tradisyon ng Spain.
Tinawag nilang miracle baby si Isabella dahil nakunan ng dalawang beses si Mariel bago siya ipinanganak.
LOOK: Robin Padilla bonds with his grandkids
Happy second birthday, Isabella!