
Hindi malaking isyu para sa host at actress na si Mariel Padilla na sa relihiyon ng asawa niyang si Sen. Robin Padilla ay maaaring magpakasal ito sa apat na babae. Tanggap rin umano niya ang mga “untouchable” na bagay para sa asawa, ngunit meron siyang kondisyon para sa mga ito.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, tinanong ng host na si Boy Abunda kung hindi ba bothered si Mariel Padilla na maaaring magpakasal ang asawa niyang si Robin sa apat na babae.
“They really are allowed to marry four, but, ako may kondisyon. When I got in the relationship, because Robin was very clear, he said that what mattered to him 'yung kumbaga 'yung untouchable sa kaniya is 'yung Mindanao and his children. So never ko 'yun ginagalaw,” sabi ni Mariel.
Paglilinaw ng TV host, hindi niya maaaring pakialaman ang mga ginagawa ng asawa para sa Mindanao katulad ng oras na ginugugol ni Sen. Robin Padilla para dito, mga donasyon, at serbisyo na inilalaan niya.
RELATED CONTENT: TINGNAN ANG BAKASYON NG PAMILYA NI MARIEL AT ROBIN PADILLA SA PARIS SA GALLERY NA ITO:
Pagpapatuloy pa ni Mariel, isa pang hindi niya puwedeng pakialaman ay ang mga anak ni Robin. Aniya, hindi niya pwedeng pakilaman ang oras na ibinibigay ni Robin sa mga anak nito.
“I get that. So ako, ang sabi ko, isa lang ang kondisyon ko, Tito Boy, it can only be me. 'Yun lang. Everything else, lahat, kaya ko 'yan lahat, no problem,” sabi ni Mariel.
Tanong ni Boy, “Did he say yes?”
“Of course, Tito Boy, and to this day, he's working very, very hard to keep that promise,” sagot ng TV host.
Nang tanungin naman siya ng kaniyang talent manager kung masaya siya, ang sagot ng TV host-actress, “I'm very happy.
“I don't think that I've ever been more content and this is probably one of the best times of my life, especially now that I'm 40. I think, when you're 40, you already know who you are. Tapos ka na sa gusto mong patunayan pa. Ngayon, alam mo na kung sino ka, mas kumportable ka na,” pagpapatuloy ni Mariel.