
Nagluluksa ngayon ang celebrity mom na si Mariel Rodriguez-Padilla dahil sa pagpanaw ng kanyang ina na si April Ihata.
Sa Instagram, ibinahagi ni Mariel ang mga larawan ng ina kalakip ang caption na, “Thanks for always being proud of me. Rest now mom.”
Nagbigay naman ng pakikiramay ang maraming mga kaibigan ni Mariel sa showbiz kabilang ang kanyang mga co-host noon sa Pinoy Big Brother na sina Toni Gonzaga at Bianca Gonzalez.
“Prayers and tight hug Ma. Deepest condolences,” mensahe ni Toni.
Hindi naman nagbigay ng detalye sa dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina.
Si Mariel ay kasal sa dating aktor at ngayon ay senador na si Robin Padilla. Sila ay may dalawang anak na babae na sina Isabella at Gabriela.
RELATED GALLERY: Celebrities and personalities who left us in 2023