What's Hot

Mariel Pamintuan and Sabrina Mann, young kontrabidas in the making

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 21, 2020 5:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Thailand PM expresses hope for ceasefire with Cambodia
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Mariel and Sabrina unleash their dark side in 'Once Upon A Kiss' this January on GMA. 
By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Hindi lamang sina Mylene Dizon at Maricar de Mesa ang magpapahirap kay Bianca Umali sa upcoming teleserye na Once Upon A Kiss. Nariyan din ang young Kapuso stars na sina Mariel Pamintuan at Sabrina Mann.
 
Unang kontrabida role ito ni Mariel, who will play as Miguel Tanfelix's sister.
 
"Medyo kontrabida ang role ko dito kasi may insecurities ako with my brother (Miguel) kasi hindi ako nabibigyan ng sapat na attention ng stepfather ko. Parang laging siya kaya may inggit ako, lagi akong against sa kanila," kuwento ng teen actress sa GMANetwork.com.
 
Hindi rin niya naitago ang excitement na makatrabaho ang kanyang onscreen mother na si Mylene.
 
"Dito medyo spoiled ako ng mommy ko. Medyo slight na katulad kay Tita Mylene po 'yung gagawin ko. I'm excited kasi it's something new. Bagong bago siya kaya gusto kong pag-eksperimentuhan kung paano ang gagawin ko."
 
Hindi naman bago ang pagiging kontrabida kay Sabrina, although bata pa siya nang huli niya itong gampanan. Dito sa Once Upon A Kiss, magiging ka-love triangle siya nina Bianca at Miguel.
 
"Nag-Luna Mystika po ako as young Iwa Moto, tapos sa Alice Bungisngis, mean girl din ako doon. Noong nag-Panday Kids ako, bida ako doon pero medyo maldita din."
 
Ano naman ang pagkakaiba ng pagiging kontrabida as a teenager?
 
"Medyo mas challenging siya kasi noong bata ka pa parang you get annoyed, nagagalit ka sa mga tao over little things. Pero ngayon, may love triangle na, ganoon (laughs)."
 
Dagdag pa niya, "Excited po akong maging anak ni Ate Maricar, at 'yung artists na makakatrabaho ko, very batikan sila. Nakaka-challenge."
 
Abangan sina Mariel at Sabrina sa Once Upon A Kiss, this January na sa GMA Telebabad.

Sino-sino ang makakasama nina Mariel at Sabrina sa GMA Telebabad soap:

First look at the cast of 'Once Upon A Kiss'