GMA Logo Mariel Pamintuan
What's Hot

Mariel Pamintuan ng 'Black Rider', bakit muntik sumuko sa showbiz?

By Bianca Geli
Published February 15, 2024 11:21 AM PHT
Updated February 15, 2024 11:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS teases cryptic date, wipes Instagram account
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Mariel Pamintuan


Ano-ano ba ang mga pinagdaanan ni Mariel Pamintuan para maisipan niyang talikuran na ang showbiz?

Matagal na sa industriya ng showbiz si Mariel Pamintuan. At dahil nagsimula ang kanyang karera bilang child actress, naranasan na rin niya ang panghinaan ng loob at magpahinga muna sa pag-arte.

Sa panayam niya kasama si Luis Manzano sa vlog na "Luis Listens," nakwento ni Mariel kung paano siya minsang sumuko at nagbalik sa showbiz.

"Actually, nagpahinga nga po ako 'eh. Nag-college ako. Hindi ko akalain na makakabalik pa ako. Parang sinara ko na 'yung pinto ko sa showbiz, parang hindi ako para d'yan kasi parang walang nangyayari sa career ko. Pero gusto ko talaga 'eh," saad ni Mariel.

Pinanghinaan daw siya ng loob matapos makaranas ng ilang pagsubok sa showbiz.

"[Naisip ko] siguro hindi ito para sa akin kasi may times na akala ko magkakaroon na ako ng break tapos naudlot. Siguro hindi talaga para sa akin ito. Kaya tumigil na ako."

May panahon din na muntik na siyang magkaroon ng big break ngunit naudlot din ang lahat.

"Nag-workshop na po kami and nung nag-preview sila ulit, ang dami ko palang tigyawat. Sabi nila, hindi na lang muna daw. Ang sakit. Nalungkot talaga ako kasi ang tagal na namin nag-audition ni Mama. Nag-anticipate na siya na magkakaroon ako ng break. Mas nasasaktan ako kung ano 'yung mararamdaman ng mama ko."

Matapos mag-kolehiyo, nagtayo ng online cake business si Mariel. Ngunit nasa puso niya pa rin ang showbiz kaya unti-unti siyang nagbalik bilang isang young actress.

RELATED GALLERY: Ruru Madrid, engrande ang entrance sa 'Black Rider' media conference



"Mas vocal na ako ngayon. Dati kasi, tahimik lang ako na bata."

Saad ni Mariel, pangarap niya rin daw na magka-drama at magkaroon pa ng iba't ibang roles.

"Kuntento naman ako sa kung nasaan ako ngayon. Masaya ako, pero syempre gusto kong magkaroon ng breakthrough. 'Yun ang pini-pray ko. Ipagpapatuloy ko lang 'yung ginagawa ko."

May payo rin siya sa ibang kabataan na gusto rin mag-artista. "Kung gusto n'yo talagang mag artista, maraming mga pagsubok na pinagdaanan pero dapat matibay ang loob n'yo and kung mahal n'yo talaga 'yung ginagawa n'yo, 'wag kayong panghinaan ng loob, ituloy n'yo lang. Sige lang sige hanggang ma-achieve n'yo 'yung dreams n'yo. Mataas akong mangarap, hindi ko pa siya na-fulfill pero may steps na akong ginawa."

Mapapanood si Mariel Pamintuan bilang Angie sa Black Rider tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime. May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m. Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.