
Ipinagdiwang ni Mariel Rodriguez ang Mother's Day kasama ang kanilang anim na kasambahay bilang pasasalamat sa pag-aalaga sa kanilang pamilya.
Nagbigay-pugay ang TV host at kanyang asawang si Robin Padilla sa mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng bulalak at paghahanda ng espesyal na tanghalian na kanilang pinagsaluhan.
Bukod pa rito, naki-bonding din si Mariel sa kanilang mga yaya, kasama ang kanyang dalawang anak na sina Isabella at Gabriela, habang nagsi-swimming.
Ayon kay Robin, ang kanilang simpleng selebrasyon ng Mother's Day ngayong panahon ng enhanced community quarantine ay isang "napakasayang araw [na] punong-puno ng pagmamahal, pahinga, at pagkain."
RELATED CONTENT:
IN PHOTOS: Celebrities celebrate motherhood on Mother's Day
IN PHOTOS: Celebrities post throwback photos with their moms to celebrate Mother's Day
IN PHOTOS: Celebrity dads honor their wives on Mother's Day