What's Hot

Mariel Rodriguez, sumaklolo kay Rufa Mae Quinto para sa gatas ni Baby Alexandria

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 26, 2017 12:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Woman killed by live-in partner in Caloocan
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Si Mariel Rodriguez muna ang nagbigay ng gatas para kay baby Alexandria matapos hindi mag-produce ng gatas si Rufa Mae Quinto para sa kanyang newborn.

Si Mariel Rodriguez muna ang nagbigay ng gatas para kay baby Alexandria matapos hindi mag-produce ng gatas si Rufa Mae Quinto para sa kanyang newborn.

Nasaksihan ni Robin Padilla ang ginawang pagtulong ni Mariel kay Rufa Mae, at binansagan niya ang dalawa bilang mag-“breast friend." 

Ayon sa video na ibinahagi ni Robin, nanganak si Rufa Mae na wala pang breastmilk. Sumaklolo raw ang kanayng maybahay at nagpadala ng gatas at nursing system para hindi magutom si baby Alexandria.

Sambit pa niya, “Napakarami ko nang napasok na brotherhood! May fraternity, may religion at may patriotism. Lahat ng ito ay nagpapakita at nagtuturo ng may pinakamataas na pagkakaisa at kapatiran. Pero poor second pala ang lahat ng ito sa nasaksihan kong sisterhood ng mga nanay lalo pagdating sa usapin ng breastfeeding at breastmilk.”

“Saludo ako sa inyo. Tunay ang kasabihan sa Islam, ‘Paradise is at your mother’s feet. Paradise is at the feet of thy mother. Your Heaven lies under the feet of your mother,” patuloy ni Robin.

 

Napakarami ko ng napasok na brotherhood! may fraternity, may religion at may patriotism, lahat ng ito ay nagpapakita at nagtuturo ng may pinakamataas na pagkakaisa at kapatiran ... pero poor second pala ang lahat ng ito sa nasaksihan kong sisterhood ng mga nanay lalo pagdating sa usapin ng breastfeeding at breastmilk. Saludo ako sa inyo tunay ang kasabihan sa Islam "Paradise is at your mothers feet" / Paradise is at the feet of thy mother" / Your Heaven lies under the feet of your mother".

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on


Na-touch naman si Rufae Mae sa ginawa ng mag-asawa, at nagpaabot siya ng mensahe para sa kanila.

Aniya, “Thank you utol @robinhoopadilla, naiyak ako dito sa video na ginawa mo. Mga friends, ganon pala maging isang ina. Gagawin mo lahat para makakain ang anak mo ng tamang milk… which is breastfeeding. It’s always best for babies.”

“Thanks @marieltpadilla for giving and sharing @marieltpadilla for giving and sharing [with] @alexandriamagallanes your milk kagabi. Naka-survive baby ko hanggang kanina. Sakto lumabas ang milk ko, di na magugutom anak ko. @camvillar you’re a queen. Thanks also for everything. Sobrang bait mo. Kayong tatlo, mahal namin kayo,” dugtong ni Rufa.


MORE ON RUFA MAE QUINTO AND MARIEL RODRIGUEZ:

Rufa Mae Quinto on being a mom: "Todo na 'to!" 

MUST-SEE: A first look at Rufa Mae Quinto's princess, Alexandria Magallanes

IN PHOTOS: At home with Robin Padilla, Mariel Rodriguez and baby Isabella