
Isa sa mga choice sa "Bawal Judgmental" ang 20-year-old singer-composer na si Juan Caoile, or Patrick dela Cruz Caoile in real life, na kumanta ng hit na hit na kanta ngayon, ang "Marikit."
Nakasama niya sa popular segment ng Eat Bulaga ang iba pang kapwa niya singer at composer tulad nina Lil Vinceyy, Charlie Mack, Clien Alcazar, Yumi Lacsamana, Matthaios, at Aikee.
Nagpa-selfie pa sa kanya ang isa sa mga host ng noontime show na si Paolo Ballesteros na tinawag pa siyang “Baby boy Marikit yiiiii”
Sa "Bawal Judgmental,", inilahad ni Juan Caoile ang kanyang tuwa sa pagiging hit ng "Marikit," na kasalukuyang number one sa Spotify Top 50 (Philippines).
Sabi ng 20-year-old singer-composer, "Sobrang saya po, sobrang nakakataba po ng puso. Dati po kasi trip-trip lang po namin nung sinulat namin yung kanta. Hindi namin in-expect na aabot po sa ganito--na pakikinggan ng maraming tao, ng mga bata, sasayawin ng kahit na sino pati na ng mga matanda."
Sa Instagram post, sinabi ni Juan Caoile na inspiring daw ang makapag-guest sa longest-running noontime show.
“Too much inspired”
Naka-jam din promising music artist ang Asia's Multimedia star na si Alden Richards, na kinanta at sinayaw pa ang 'Marikit.'
Sino si Inka Magnaye na trending dahil sa "Bawal Judgmental" ng 'Eat Bulaga'?
'Bawal Judgmental' choice na si Kathleen Kaye Sone, voice talent din sa 'Pepito Manaloto'